Isang Malupit na Aral Mula sa #Pride series…

Bilang mga kartunista/artista/pintor na may panatang manilbihan sa sambayanan gamit ang sining, parating isang malaking hamon ang pagsasalamin ng tunay na buhay sa mga kwento at dibuho. Kunwari, kung nais naming ibalita sa kapwa mag-aaral ang sinapit ng mga Lumad sa kamay ng mga militar sa kanayunan, hindi naman maaring gumawa lang kami ng kwento na may dugo, karahasan, at iba pa. Kailangan naming lumubog mismo at kung maari ay makipamuhay sa mga Lumad. Doon lang namin mabibigyan ng katarungan ang kanilang kwento.

Ngayon, isang malaking karangalan ang makipagtulungan sa UPLB Babaylan — ang nag-iisang samahan ng mga taong may piniling kasarian o LGBT — para sa kanilang Pride series. Madali lang naman talaga kung tutuusin, gumawa lang ng komiks patungkol sa buhay ng mga LGBT: yung light lang, hindi masyadong agit, pero syempre may paninindigan.

Ngunit, nagkamali kaming sabihin na madali lang siya (hehe). Totoo, sanay kaming magkwento ng mga hirap na nararanasan sa araw-araw, at oo, lumalabas din kami sa mga comfort zone namin para mapag-isa ang panawagan ng mga mag-aaral at iba pang sektor ng lipunan. Yun pala, mas mahirap pala isipin ang kwento kapag may dagdag bigat ng pagpili ng kasarian. Mahirap siyang iimagine, at i-characterize sapagkat yun ang mundong wala sa amin ang nakakatapak.

Sa madaling salita, “humbling” ang karanasan na ito para sa amin at gagamitin na rin namin ang post na ito para pasalamatan ang mga grupong directly — at mostly indirectly — na nakatulong sa amin. Una, sa UPLB Babaylan para sa pagbibigay ng opportunity na makilahok sa issue na pinapatambol at opportunity din ng pagguhit para sa Pride series. Kay Emiliana Kampilan at sa buong team ng Dead Balagtas para sa lahat ng kasaysayan ng mga babaylan sa sinaunang Pilipinas, kay Sir Oliver Pulumbarit at sa kanyang akda na Lexy, Nance, and Argus: Sex, Gods, and Rock n Roll para sa inspirasyon at glimpse ng isang modern age LGBT; sa Ang Gerilya, isa rin para sa inspirasyon na ang bilang ay hindi hadlang para sa pagiging produktibo, kay Ana Catalina Paje at sa kanyang pambihirang insights, at higit sa lahat, sa sambayanang Pilipino — may piniling kasarian man o wala — na nananatiling nakakahon at inaapi ng isang bulok na sistema!

To quote Son Goku sa Tagalog dubbed Dragon Ball: “hanggang sa muli, paalam!”

KK.

bi
Ang komiks strip na ito ay kasama sa tinaguriang Pride series ng UPLB Babaylan
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s