Ang Isko’t Iska at ang Daluyong ng Pagbabago

For 39 years, patuloy pa rin ang pagpapamulat ng dulang Isko’t Iska sa mga estudyante ng UPLB sa mga issue na – although obvious – ay hindi masyadong napapag-usapan sa mga classrooms.

Ngayong taon, nag-focus ang dula sa dalawang mukha ng UP sa kanyang community: nariyan ang dangal (at yabang hehe) na dala ng pagiging Iskolar ng Bayan, ang tagapagtaguyod ng kaunlaran. Ngunit, sa isang banda, nariyan rin ang mukha ng kalaban sa anyo ng mga alumni na ginamit ang kanilang kaalaman at karunungan sa advantage ng pagpapayaman ng iilan.

With this in mind, nagawa ng dula mailahad ang kwento ni Iska (na sumasalamin sa modern day youth) at sa kanyang personal struggles na sumasabay sa kanyang pagkamulat. Kasama niya si Isko (na sumasalamin naman sa mga kabataang mula sa uring anakpawis) at na-encounter nila si Nanay MB, leader ng dinedemolish na fishing community sa La Pagan; Ka Tao, lider ng unyon ng mga manggagawa at tatay ni Isko, at si Peggy. 

Mula sa patnugot ng UPLB Writers’ Club, ang Isko’t Iska ngayong taon ay nagtampok din ng ilang mga napapanahong isyu sa loob ng pamantasan gaya na rin ng nakakaimbyernang eUP project, ang buong SAIS fiasco at pati na rin ang planong pagpapatupad ng mandatory ROTC. Umiikot ang lahat ng dula ng Isko’t Iska sa social realism — hangad nitong magpamulat ng kalakhan sa pamamagitan ng pagpapakita ng realidad in its full glory. 

Bilang pagsasalamin din ng present-day reality, sa kauna-unahang pagkakataon ay tinampok din dito ang pagmamahalan ni Francheska Segismundo (Iska) at Karlyn Oblacion (Obley). 

Hindi ka nagkakamali sa pagbasa. Gaya mo ay #shookt din ang buong audience nang i-reveal na mag-nobya nga si Iska at Obley. Ang character ni Karlyn Oblacion ay hango sa dalawang estudyanteng nag-alay ng kanilang buhay para sa pagbabago at para sa bayan na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Si Karlyn Oblacion ay ang siyang tumulong upang imulat si Iska sa mga totoong nangyayari hindi lamang sa kanilang pamantasan ngunit pati na rin sa kanayunan. 

Sa pamamagitan ng tagumpay ng dula, napatunayan na ang sining ang isa sa pinakamabisang paraan ng pampukaw sa consciousness ng mga mag-aaral. 

At, kami sa Karma Kolektib, ay naniniwalang lumabas ang mga manunuod na kahit paano ay may nabago sa kanilang pananaw. Ito na ata ang pinaka- dabest na regalo para sa ika-10 taon namin.

Note: ang mga larawan ay kuha ng Southern Tagalog Exposure at UPLB Perspective

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s