KarMa joins an orgy…

Noong Nobyembre 24, 2016, ang Kartunista Manunulat (KarMa) Kolektib ay nakisama sa Zine Orgy – isang programa  na pinanguluhan ng organisasyong Magpies.  Ang programang ito (“… ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng…”) ay ginanap sa 77 Events place sa may *Agapita St, Los Baños (LB), Laguna*. Sa totoo lang, mas iisiping pang-prom o pang reception ng kasal ang venue, pero game lang! May sapat namang space para sa exhibitors at pati na rin sa mga dumalo.

Ayon sa Magpies, ang objective ng event ay magkaroon ng isang paraan – isang venue — para maibahagi ng mga local artists ang kanilang mga obra at ‘maipadama ang presensya ng LB art community‘. Job well done, Magpies! Naipakita ninyo ang kulturang bumabalot sa sining ng LB at ang kabuluhan sa pagka-diverse nito. Nakakakaba ngunit nakakatuwa. (Sa mga nagthethesis diyan o. Topic rin ‘to. ‘di niyo na kailangang ipagawa sa E-Heads.)

Napakaraming tao ang dumalo sa venue. Samut-saring mga grupo at solo artists ang aming nakilala. Samut-saring mga obra rin ang nagparamdam ng kanilang mga presensya. Samut-saring mga bulsa rin ang nabutas subalit ilang gasgas sa mga laptop ang matatakpan pagkauwi ng mga dumalo (hehe #stickerspamore). Ilang mga kanta rin ang kinanta ng dumalong song artists.

Kung may claustrophobic mang nasama sa crowd, hindi magawang isipin na ninais niyang makalanghap muli ng hanging hindi (75-)85% sumingaw na pawis at (25-)15% upos ng sigarilyo.

**The variability depends on where you were at a given point in time during the duration of the program.

The (76-)85%. Sa dinami ng tao, hindi maiiwasang magkapawisan at magkalanghapan ng aurang mandirigma. Nakakagigil pala talaga kapag napapalibutan ka ng sining. Hindi kakayanin ng sweat glands mo ang pagka-intense! Mag-ooverdrive ang mga itong hangga’t umabot sa point of ecstacy? Parang ganun.

The remaining (25-)15%. Naplano na rin siguro beforehand na may i-allot na puwesto para sa mga nais manigarilyo ngunit hinding-hindi siguro talaga matitigilan ang taong sadyang pasaway. (Peace po, labyu)

(INSERT MULAWIN THEME HERE)

Mula sa lamesa ng KarMa, ikinatuwa ng mga exhibitors ang experience na makakita ng pamilyar na mga mukha at makakilala ng mga panibagong mga mukha (for future reference rin ‘to sa mga future releases hehe). Ikinatutuwa naming makasama ang mga organisasyong kasama namin sa pagpapalaganap ng sining ng LB.

Pagkatapos ng lahat, maaasahan na ang KarMa ay muling magpaparamdam sa susunod pang mga panahon. Sabi nga ng karamihan ng nakatatanda, “malakas ang karma”.

Peace out, mga nanangkilik sa kampanya!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s