Opisyal na Pahayag ng KarMa Kolektib hinggil sa kasong isinampa ng Student Disciplinary Tribunal UPLB USC Chair Merwin Jacob Alinea

Mula noon hanggang ngayon, ang buong linggong pagdiriwang ng tradisyon ng UPLB Feb Fair ay isang paghahayag hindi lamang ng makulay na kultura ng pamantasan ngunit pati na rin ng lumalakas at lumalawak na alyansa ng sangkaestudyantehan. Kalakip na rin ng pagpapalawak ng alyansang may tunguhin para sa panlipunang pagbabago ay ang kaukulang pagbabahagi ng nasabing pagdiriwang hindi lamang sa loob ng pamantasan ngunit pati na rin sa buong kumonidad ng Los Banos at iba pang karatig-bayan.

Sa mga nakaraang araw ay naging matunog ang kasong isinampa ng Student Disciplinary Tribunal at ng administrasyon ng UPLB laban sa tagapamahala ng UPLB University Student Council na si Merwin Jacob Alinea. Si Alinea ay humaharap ngayon sa kasong “gross and deliberate disobedience” na nag-ugat sa isang dayalogo ng nasasangkot at isang opisyal ng University Police Force ukol sa mga diumano’y reklamo ng mga mamamayan sa ingay ng Feb Fair. Ang mga alegasyong ito’y wala pa rin ebidensiya magpasahanggang ngayon sapagkat walang sinuman ang naghain ng ni isang reklamo ukol dito.

Ang KarMa Kolektib ay buong lakas at tapang na sinusuportahan hindi lamang ang ating USC Chairperson ngunit pati na rin ang buong student council at ang sangkaestudyantehan ng UPLB sa pagsugpo sa isang administrasyong may hangaring buwagin ang alyansang nagkakaisa sa pagharap at pagpuksa ng opresyon. Sama-sama tayong titindig laban sa mapang-aping mga polisiya!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s