#OccupySU: Baby, SU, you’re the one I love~

“Iskolar, sa atin ang SU!”

Makasaysayang panawagan na ibalik ang Student Union (SU) Building sa ating mga estudyante. Bilang isang sentro na inilaan para sa pagpapahayag ng matibay na pagkakasama-sama nating mga estudyante, hinding-hindi dapat tayo pumapayag na tayo ay pinapalayas dito ng kahit sino. Higit pa na tayo’y tumaliwas sa pagiging konserbatibo sa larangang ito.

Pero hindi po ba parang inaabuso ninyo ang paggamit ng SU sa ganyang palagay?

Hindi at hindi kailanman magiging pang-aabuso ang pagpapatupad ng ating mga karapatan. Marami sa ating mga karapatan ang natatapakan dahil lang sa simpleng pagpapaalis sa atin sa SU o kahit na sa pamantasan dahil sa 10pm curfew. Ibang usapin pa ang banta sa seguridad ng mga estudyante sa tuwing napipilitan ang mga ito na lumabas pa sa pamantasan para makapag-meeting sa kani-kanilang mga organisasyon. Hindi ba mas tunog pang-aabuso ang nagagawang pagpapaalis?

Kaysa paalisin ang ating mga organisasyon, mga grupong nabuo dahil sa isang proyekto sa isang klase, atbp, at paghanapin ng iba pang venue para makapag-usap ukol sa mga gaganapin nilang aktibidades, bakit hindi natin magawang i-maximize ang paggamit natin sa mga institusyon ng ating pamantasan? Bakit hindi hayaan ng administrasyon na tayo ay manatili at gamitin ang SU Building para sa ating mga agenda bilang mga mag-aaral nitong ating mahal na pamantasan?

Sa mga gabi na in-occupy ng ating mga estudyante ang SU, naipakita ang angking kagandahan ng SU bilang isang working environment at isang tunay na lugar para sa ating mga estudyante. Sa pagsasama-sama ng mga estudyante, walang hindi magagawang igpawan na hamon!

Sa susunod pang mga kampanya ngayon taon, patuloy tayong magsulong ng ating mga karapatan!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s