Hindi-pendence!!

Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat ng mambabasa! Ako si Impe – isa sa maramihang hardcore fan ng kalayaan ng Pilipinas. Patuloy niyo lang ikatuwa ang inyong kalayaan ah? Habang patuloy kayong nagpapakasaya, karamihan sa inyo’y tuloy-tuluyan ko lang pahihirapan. Ibandera niyo pa ang bandila niyo sa malayang kalangitan at nang matulungan niyo kaming balutin pa sa kadiliman ang kabuuan ng bansa.

ID3

 

Pagnilayan niyo lang ng maigi ang maaaring manalo sa susunod na episode ng Pinoy Big Brother o kung nadapa, nakagat ng langgam, o kung anumang makabuluhang pangyayari ang naranasan ng sagradong anak ni Kris Aquino. Tutal, mas mabuti namang pag-usapan ito kaysa pag-usapan ang mga nagagahasang kababaihan at pilitang pamamaslang sa mga magsasaka’t manggagawa sa inyong lipunan. Hayaan niyo lang na tuluyang pasukin ang bansa ninyo ng mga berdugong wala nang ibang inisip kundi unti-unting kilatisin ang inyong mga progresibong lider! Baka naman kami’y malugi kung patuloy namin sila pagsalitain. Hirap kayang magbungkal ng mineral sa mga Pilipinas. Mahirap na palihim at pinamumukhang ang mga Pilipino ang makikinabang sa ginagawa namin. Minsan mahirap ring maglibing ng aming mga napapatay. Kung ililibing pa namin. Funny, ‘no? Parang kami pa may ari ng lupa niyo. Oh wait, parang ganun na nga pala! Kawawa naman kayo.

Kayo namang pinagbababaril at pinagpapapatay nang kapwa niyo Pilipino, sorry kayo. Kayo ay nagpabaon sa utang. Utang na parang sa simula pa lang ay hindi na niyo maiiwasan. Sabagay, no choice kayo kasi kung ano pang kinikita niyong hindi pa aabot ng Php10, hindi pa sapat ipambayad sa kahit ni ano. Lunukin niyo na lang ang mga balang tatagos sa ulo at puso ng mga kamag-anak niyo. At least, may nakain kayo.

ID4 And finally, ikatuwa ninyo na nakakabili kayo ng mga produkto naming mga Impe. High quality yang mga ‘yan. Fresh from the ’90s! Salamat sa hilaw na materyales niyo ah – sobrang nakakatipid kami sa paggawa. Imagine ‘no? Kawawa naman ang bansa namin kung pinagbubutas namin ang lupa para sa tanso at ginto. Mas mabuti nang lupa ninyo ang pinagbubutas namin. Mas mabuti nang ang inyong mga puno ang pinagpuputol-putol namin. Mas maganda nang mga ilog ninyo ang aming pinaglalason nang hindi kami ang uhaw na uhaw at naghihirap maghanap ng iinumin sa pagdating ng tag-tuyo. Patuloy niyo lang ikatuwa niyo lang ah? Para sa ekonomiya!

Kung sana kayo nakinabang sa yamang lupa ninyo eh ‘di kayo pa yumaman. Ayaw ko naman ‘yon. Paano ako makikipagdimaan sa mga tropa ko? Paano ako gagawa ng baril na ibebenta ko sa inyo para patayin ang mga sundalong ako rin naglagay sa mga lungsuran ninyo? Paano ko ipopondo ang kampanya ng mga pulitiko ninyong wala nang ibang nagpatakbo sa isip kundi pera, pera, pera? Mas maganda na kayo’y manahimik na lang ‘no? Patuloy niyo lang ipagmalaki ang kalayaan niyong ibinase sa kagaguhan ng isang bayaran. Ipamukha ninyo na ang ipinaparada ninyong kalayaan ay isang ilusyon! Patuloy ninyo kaming payamanin. Patuloy ninyong paslangin ang kapwa ninyong nangangarap makamit ang tunay na kalayaa—

ID1

ANG TUNAY NA MAKABAYANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS AY TUMUTUTOL SA LAHAT NG PINAGPUPUTOK NG BUTSI NG MGA IMPERYALISTA!

IBINABASURA NG TUNAY NA MAKABAYANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS ANG MGA IDEOLOHIYA NA BUMUBUHAY AT NAGPAPATAKBO SA ISANG GOBYERNO NA INOOPRESA ANG ATING MGA MAGSASAKA,  MGA MANGGAGAWA, MGA KABABAIHAN, AT MGA KABATAAN!

Hamon sa lahat ng makakabasa nitong aming munting pahayagan na mamulat, magpamulat, at ipaglaban ang tunay na pambansang soberanya at bakahin ang isang sistemang pinahihintulutan ang pagyuyurak sa ating mga saligang karapatang-pantao.

MABUHAY ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA! 

MABUHAY ANG MAMAMAYANG PILIPINO!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s