Fil-Am Friendship: Keri Mo Pa Ba, Friend?

Isang komikal na relasyon ang mayroon sa pagitan nila Impe at Pinoy; ang una’y wala nang ibang ipinagmayabang kundi ang kanyang angking galing sa harap-harapang pangangaladkad sa pangalawa. ‘Eto namang si Pinoy, para bang patuloy na nagpapakalumpo sa kaiisip na balang araw ay ituturing din siya ni Impe na higit sa pagiging lauran. Si Pinoy na tila ba’y manhid na sa samu’t saring pinsalang natamo sa abusadong ‘pakikipagkaibigan’ kay Impe, sa pag-asang balang-araw ay makakamit din niya ang benepisyong pinakaaasam.

Sa pagpapatakbo ng ekonomya ng Pilipinas ay parang tuko ang kapit ni Impe sa kaniyang ‘kaibigang’ si Pinoy. Ilang pulisiya ang iniluwal at inihapag nito at sinabing ang mga ito raw ang magsisilbing β€œstepping stones” upang umunlad ang ekonomya ng Pinoy.

Kailan pa ba naging ehemplo ng umuunlad na ekonomya ang hindi makataong sahod sa mga manggagawa o mga magsasaka? Kailan pa ba naging ehemplo ng umuunlad na ekonomiya ang patuloy na pagdedemolish sa mga tirahan ng ating mga mamamayang maralita. Kailan pa ba naging ehemplo ng pag-unlad ang hindi pa rin libreng edukasyon at patuloy na pangongolekta ng matrikula sa panahon na mayroon nang House Bill 5633 at Senate Bill 1304 sa kongreso? Oh, mahabaging diyos! ‘Yong totoo??

Magsilbing hamon sana sa aming mga mambabasa na magpakasikhay sa pagpapabagsak sa ugat ng mga sakit ng ating lipunan! Pabagsakin ang Imperyalismo, Pyudalismo at Burukratang Kapitalismo! Huwag nang hahayaan na patuloy tayo o kahit na sino pa man ang kaladkarin pa ni Impe at ang kaniyang huwad na pakikipagkaibigan!

PARA SA PAMBANSANG SOBERANYA!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s