Meet the Characters (A Guide to the KarMa Kolektib Universe) PT. 1

As promised, mga beshie marie! Heto na ang unang pasilip sa makulay na mundo ng KarMa! Buckle up dahil first wave pa lang ‘to! 🙂

9

 

Amandla Patola – also known as Rhed Castro, siya ang isa sa mga bida sa HOTTEST ISSUE IN TOWN. Tinaguriang patola ng
kaklaseng si Rica sapagkat parating agit at parating may reaksyon sa mga bagay-bagay kahit gaano man ka-irrelevant. Tubong San Pablo, Laguna, siya ang panganay na anak ng dalawang government employees na madalas wala sa kanilang bahay. Pinalaki siya ng kanyang lola sa isang pyudal na setting. Maaaring sa bahay din nila nagsimula ang kanyang agit sentiments sapagkat nararamdaman niya ang pangmamaliit sa kanyang mga opinyon, etc.

 

 

 

1

 

 

Rica Chismosa Maliciosa – isang second year student ng pamantasan na kilala sa pagiging bungangera at parating may scoop sa iba’t ibang usapin: relevant man o hindi. Lumaki siya sa poder ng lola sa General Trias, Cavite sapagkat ang mga magulang niya ay overseas Filipino workers. Spoiled sa mga materyal na bagay ngunit lumaki namang sensitibo at maunawain. Mahilig siyang magblog at aktibo sa social media kasama ang kanyang mga kaibigan.

 

 

 

4

 

Patty – also known as Party Patty at Patricia Beatrice Mendiola, ay isang typical city girl na bracket A student na mahilig sa hipsterdom. Kritikal sa lahat ng mga bagay, siya ay usual bourgeois individualist at minsan ay intellectual snob. Lingid sa kaalaman ng lahat, may soft spot siya sa mga matatandang naglalako ng mga kung ano-ano, pag nakikita niya sila sa loob ng campus or sa square, at pinapakyaw niya lahat ng tinda nila. Lingid din sa kaalaman ng lahat siya ay hindi matapobre. Dahil din siguro sa same circle of friends, same things na ginagawa nila araw-araw (mag-inom until the crack of dawn sa square) ay nakakaranas siya ng matinding boredom. Minsanan na lang din ang pag-uwi niya sa mga high school friends niya sa Makati dahil bored na din siya sa mga out of town, parting, at mga usual nilang hangouts.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s