Opisyal na pahayag ng KarMa Kolektib hinggil sa Tuition Collection sa UPLB

Pinaasa tayo ng administrasyong ito sa kanilang mga salita. Inilagay nila tayo sa isang sitwasyon na nagdala ng matinding kalituhan sa mga estudyante at tuluyan nilang paglantad sa kanilang mga tunay na wangis. Walang pinag-iba sa mga nakaraang administrasyon kung saan patuloy ang pag-abandona nila sa ating lehitimong karapatan sa edukasyon.

 

Sa kabila ng kanilang mga pahayag na i-suspend ang koleksyon ng matrikula sa ating pamantasan noong Hulyo 26, 2017 ay siya namang iglap ng pagbawi nito nang ibaba ng Office of the President ng UP System ang memo kung saan isinasaad ang pagpapatuloy ng koleksyon ng matrikula sa pamamagitan ng patuloy na pag-iimplementa ng SFA (Student Financial Assistance) at STS (Socialized Tuition System). Taliwas sa nauna namang pahayag ng estado at ng bagong pasang panukalang batas na SB 1304 o Free Higher Education Act. Saang banda naging libre ang edukasyon sa kolehiyo kung nagpapatuloy ang pangongolekta ng matrikula at pag-iimplementa ng hungkag na STS? At tila naging โ€˜show offโ€™ lamang ng admin ang diumanong pagsusupend nito sa koleksyon ng matrikula upang paasahin ang mga estudyante upang mag-astang may pakialam talaga sila sa mga panawagan ng mga estudyante.

 

Matagal nang nagtitiis ang mga estudyante sa paulit ulit na mga retorikang binibitawan ng administrasyon. Paulit ulit na lamang na tila isang orasyon ang inihaharap ng administrasyon sa tuwing humihingi ang mga estudyante ng kagyat na tugon sa mga demokratikong karapatan nito. Ngunit pakatandaan natin na ang lalong hindi nila pagtugon ang siyang lalaong nagpapaningas sa kagustuhan ng mga estudyante na patuloy na isulong ang kanilang laban at patuloy na maghanda para sa mga mas papapatinding paggiit sa ating mga karapatan.

 

Lubos na sinusuportahan ng Kartunista-Manunulat Kolektib ang panawagan ng patuloy na paglaban upang ipatigil ang koleksyon ng matrikula sa ating pamantasan at manindigan para sa ating karapatan sa libreng edukasyon. Kaisa ang kolektibo sa pagpapanawagan din na magkaisa ang mga estudyante sa darating na unang araw ng pasukan upang kalampagin ang administrasyon na making at makiisa sa panawagan ng mga estudyante. Ito na ang higit na kinakailangang panahon upang tayo ay iggiit ang ating karapatan, mag-organisa, at magkaisa para sa ating karapatan.

 

Edukasyon, karapatan ng mamamayan!

Oppose Neoliberal offense in Education!

#NoTuitionCollection

#FreeEducNow

#JunkOtherSchoolFees

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s